nais kong mamangka
sa mahabang ilog
itatanghal ang diwa
hanggang sa tugatog
alagaan natin
ang kapaligiran
ating aayusin
pag kinailangan
sa bangin ng buhay
gawin ang mabuti
minsan ay magnilay
sa dilim ng gabi
bayan ay iligtas
sa mga kurakot
lalo na't dumanas
ng mga hilakbot
umasang liwanag
ay mahalukipkip
lalo na't magdamag
tayong nanaginip
magkapitbisig na
ang mga obrero
at gawing maganda
ang bayan at mundo
mahaling mabuti
kung ina'y kapiling
huwag magsisisi
kung gawa'y magaling
- gregbituinjr.
* unang nalathala sa munting pahayagang Diwang Lunti, isyu ng Disyembre 2019, pahina 20
Martes, Disyembre 24, 2019
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Babang luksa
BABANG LUKSA ngayon ang unang anibersaryo ng kamatayan ng aking ama kaya bumiyahe muna ako sakay ng bus papuntang probinsya babang luksa raw...

-
KALAT AT DUMI animo ang kalsada'y luminis ang nasabi sa akin ni misis bagyong Carina na ang nagwalis gabok, basura't dumi'y inal...
-
#123 Partido Lakas ng Masa (PLM) partylist numero Uno-Dos-Tres ay ating pakatandaan para sa Partido Lakas ng Masa, atin iyan ang P.L.M. part...
-
SALIN NG AKDA NI HEMINGWAY nakita kong muli sa munti kong aklatan akda ni Hemingway sa buhay-karagatan ang "The Old Man and the Sea...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento