di ko makita ang labing-isang pananagutan
ng mga pulitikong balimbing sa sambayanan
makita nawang sila'y tunay na lingkod ng bayan
na nilalabanan pati mismong katiwalian
binaha na ang lansangan ng laksa-laksang trapo
kikilos ba sila upang basahan ay magbago
ang mga trapo'y tatalun-talon na parang trumpo
habang tingin sa dukha'y aliping nilalatigo
palamura'y binuhusan ng malamig na tubig
sakali'y magmalat na ang mainit niyang tinig
tila lasenggo ang pasuray-suray niyang bibig
na nakatutulig na sa mga nakakarinig
teka, sasagpangin ta ng suwapang na buwitre
habang nagsisitukaan naman ang tatlong bibe
habang sa aplaya'y pilit tinungkab ang kabibe
habang katawan ng trapo'y nangangamoy asupre
anong pananagutan ng trapong walang dignidad
na pagtingin sa mga dukha'y karaniwang hubad
mga trapo'y mararangal daw, ako'y napaigtad
tila diwa't mukha nila sa sahig ay sumadsad
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Necessary o necessity, sa RA 12216 (NHA Act of 2025)
NECESSARY O NECESSITY, SA RA 12216 (NHA ACT OF 2025) Nagkakamali rin pala ng kopya ang nagtipa ng batas na Republic Act 12216 o National Hou...

-
#123 Partido Lakas ng Masa (PLM) partylist numero Uno-Dos-Tres ay ating pakatandaan para sa Partido Lakas ng Masa, atin iyan ang P.L.M. part...
-
ANG MAKATANG CIRILO F. BAUTISTA AT AKO Maikling sanaysay ni Gregorio V. Bituin Jr. Binasa ko ang talambuhay ng makata't manunulat na si ...
-
PAGDALAW SA MGA BILANGGONG PULITIKAL sumama kami tungong bilibid binisita ang mga kapatid at kasamang doon nangabulid pamaskong handog ang i...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento