di basta babagsak kaming aktibistang Spartan
pagkat sinanay kaming sumuong sa mga laban
di basta babagsak kaharap man si Kamatayan
lalo't may tungkulin kaming baguhin ang lipunan
ginto ba ang sistemang kanilang pinagtatanggol
habang trapo'y patuloy na bayan ay inuulol
habang kabang bayan ay aksayadong ginugugol
habang ang mga trapo'y umaaktong budol-budol
kailangan nating tuligsain ang mga mali
paano ba maiwawasto ang trapong tiwali
ang masa ba'y magtatagumpay sa bawat tunggali
habang ang bulok na sistema'y nagkabali-bali
isinalang sa apoy, hinulma ng dusa't luha
kaming aktibistang Spartan sa laban ay handa
kasama ang uring manggagawa'y may magagawa
upang ibagsak ang mga elitistang kuhila
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Ang paalala sa kalsada
ANG PAALALA SA KALSADA bakit mo tatawirin ang isang lansangan kung tingin mo'y magdudulot ng kamatayan mayroon doong babala, sundin lang...
-
#123 Partido Lakas ng Masa (PLM) partylist numero Uno-Dos-Tres ay ating pakatandaan para sa Partido Lakas ng Masa, atin iyan ang P.L.M. part...
-
ANG MAKATANG CIRILO F. BAUTISTA AT AKO Maikling sanaysay ni Gregorio V. Bituin Jr. Binasa ko ang talambuhay ng makata't manunulat na si ...
-
ANG AKLAT KO'T KAMISETA mga akda ni Ka Popoy ay sinalibro habang suot ang kamisetang may litrato ni Lean Alejandro , pawang magigitin...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento