Sabado, Marso 1, 2025

Ang panulat

ANG PANULAT

pluma ko'y di hihinto
sa panitikang tanto
saknungan ay binuo
mula danas sa mundo

pluma ko'y di titigil
tadtad man ng hilahil
magsalita ma'y garil
o kaya'y nanggigigil

laging magsisiwalat
ng anumang naungkat
upang ang nagsasalat
ay sakaling mamulat

matamis ang salita
maasim ang sikmura
buhay man ay mapakla
patuloy sa pagkatha

- gregoriovbituinjr.
03.01.2025

Ang panulat

ANG PANULAT pluma ko'y di hihinto sa panitikang tanto saknungan ay binuo mula danas sa mundo pluma ko'y di titigil tadtad man ng hil...